| Question | Answer | 
| anakpawis | mahirap; dukha | 
| bahag ang buntot | takot na takot | 
| balat-kalabaw | walang hiya | 
| balat-sibuyas | maramdamin | 
| basa ang papel | sira ang rekord o pangalan | 
| basag ang pula | inutil; walang silbi | 
| basang-sisiw | kawawa; palaboy | 
| bilugin ang ulo | lokohin; bolahin | 
| boses ipis | mahina ang boses | 
| buhatin ang sariling bangko | magyabang | 
| buhay ang loob | matapang | 
| bukas ang aklat ng buhay | walang sikreto | 
| bukas ang palad | matulungin; maawain | 
| butas ang bulsa | walang pera | 
| buto't balat | payat na payat | 
| dinaanan ng bagyo | sira-sira; sobrang gulo | 
| dinadaan sa bibig | panay salita ngunit kulang sa gawa | 
| dinoktor | dinaya | 
| dumanak ng dugo | magkaroon ng patayan | 
| 'di maliparang uwak | malawak | 
| bulang gugo | galante | 
| hinihipang pantog | bigla ang pag-unland | 
| paglulubid ng buhangin | nagsisinungaling | 
| kabungguang balikat | kaibigan | 
| guhit ng palad | kapalaran | 
| hampas-lupa | palaboy; istambay | 
| hinahabol ng barbero | mahaba ang buhok at dapat nang pagupitan | 
| hulog ng langit | biyaya; swerte | 
| ibangon ang puri | ibalik ang magandang reputasyon o dangal | 
| ipagtirik ng kandila | ipagdasal | 
| isang kahig, isang tuka | dukha; mahirap | 
| kaibigang putik | hindi tapat na kaibigan | 
| kalamayin ang loob | magpakatatag; tanggapin nang maluwag sa dibdib | 
| kalapating mababa ang lipad | taong may masamang reputasyon | 
| kalatog-pinggan | taong laging nag-aabang ng handaan upang makikain | 
| kapit-tuko | hindi mapaghiwalay; mahigpit ang kapit | 
| kaututang-dila | kapalagayang-loob; laging kausap | 
| kumukulo ang dugo | galit na galit | 
| kwentong barbero | tsismis | 
| ligaw-tingin | torpe; dinadaan lang sa tingin ang panliligaw | 
| lumitaw ang tunay na kulay | magpakita ng totoong ugali | 
| magpahigop ng mainit na sabaw | maghanda para sa kasal | 
| magpatulo ng pawis | magtrabaho | 
| maikli ang pisi | walang pasensyal; kinakapos ang panggastos | 
| makati ang dila | madaldal | 
| malabnaw ang utak | mahina ang ulo; bobo | 
| mapagtanim | hindi maalis ang galit o inis | 
| matang-manok | malabo ang paningin | 
| matigas ang ulo | mahirap pasunurin; sutil | 
| may gatas pa sa labi | bata pa at walang muwang | 
| may hangin ang ulo | mayabang; hambog | 
| may pakpak ang balita | mabilis kumalat ang balita | 
| mitsa ng buhay | sanhi o dahilan ng pagkamatay | 
| nagbibilang ng poste | walang trabaho; istambay | 
| nagdilang-anghel | nagkatotoo ang sinabi | 
| nagmumurang kamyas | matandang nagpapabata | 
| nagpanting ang tainga | biglang nagalit | 
| nagpuputok ang butse | naiinis; naasar | 
| nagsaulian kandila | binalewala ang pagiging magkumpare o magkumare dahil sa awayan | 
| nagtataingang-kawali | nagbibingi-bingihan | 
| ningas-kugon | interesado sa umpisa lang | 
| pagbuhatan ng kamay | bugbugin; saktan | 
| panakip-butas | panghalili lamang [substitute, second-choice] | 
| paniningalang-pugad | panliligaw | 
| parang aso't pusa | langing nag-aaway | 
| parang biniyak na bunga | magkamukha | 
| patay-gutom | dukha; mahirap lang | 
| sakit ng ulo | suliranin; problema | 
| sumakabilang-buhay | namatay | 
| suntok sa buwan | imposibleng mangyari o maganap | 
| tumayo ang balahibo | natakot; kinilabutan | 
| umutang ng buhay | pumatay | 
| utak biya | may kakulangan sa pag-iintindi | 
| walang preno ang bibig | madaldal | 
| walang sa kalingkingan | hindi maihahambing o malayo sa pinagkukumparahan | 
Want to create your own Flashcards for free with GoConqr? Learn more.