|   | 
Created by Rose Tabije
almost 6 years ago
 | |
| Question | Answer | 
| Pinakamalaking Impluwensya ng Mga Espanyol sa Ating Mga Pilipino. | KRISTIYANISMO | 
| Ang Tanging Kristiyanong Bansa sa Asya. | PILIPINAS | 
| Mga Misyonerong Nangunang Nagpalaganap ng Paniniwalang Kristiyanismo sa Pilipinas | 1. Mga Agustino - 1565 (pinangunahan ni Padre Andres de Urdaneta) 2. Mga Pransiskano - 1578 3. Mga Heswita - 1581 4. Mga Dominikano - 1587 5. Mga Rekoleto - 1606 | 
| Mga Itinuro ng Mga Misyonero | 1. Magdasal 2. Magsimba 3. Magbasa ng Bibliya | 
| Banal na Aklat ng Mga Kristiyano | BIBLIYA | 
| Mga Dasal at Gawain na Natutuhan ng Mga Katutubo Mula sa Mga Misyonero | 1. Magdasal ng orasyon ng sama-sama, 2. Pagnonobena, 3. Pagrorosaryo, at 4. Pagsama sa mga prusisyon. | 
| Mga Sakramentong Itinuro sa Mga Simbahan | 1. Binyag 2. Kasal 3. Pagdalo sa misa 4. Kumpil 5. Pangungumpisal 6. Pagpapabendisyon sa mga maysakit at namamatay at 7. Banal na ordinasyon. | 
| Idinaraos Bilang Pagbibigay-galang sa Patron. | PISTA | 
| Mga Iba Pang Pagdiriwang na Natutuhan ng Mga Katutubo | 1. Pasko 2. Mahal na Araw | 
| Pagdiriwang ng Kapanganakan ni Hesus | PASKO | 
| Paggunita sa Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus | MAHAL NA ARAW | 
| Ang sapilitang paglipat ng mga Pilipino mula sa malalayong pamayanan upang pagsama-samahin sa mga pueblo. | REDUCCION | 
| Bayan o pamahalaang pambayan na itinatag ng mga Espanyol | PUEBLO | 
| Isa sa pangunahing pistang ipinagdiriwang ng milyon-milyong Pilipinong Katoliko. | PISTA NG QUIAPO | 
| Ipinagdiriwang tuwing Enero 9 bilang pagbibigay-galang sa Patrong si Nuestro Padre Hesus Nazareno o Black Nazarene. | PISTA NG QUIAPO | 
| Ang pamayanang nabuo sa mga pinagsama-samang Pilipino sa pamumuno ng isang pari. | PAROKYA | 
| Pinakasentro ng Parokya | KABESERA | 
| Tawag sa malayong lugar | VISITA | 
| Tawag sa lugar na mas malayo pa sa Visita | RANCHO | 
| Ginamit ng mga pari na pantawag sa mga tao. | KAMPANA | 
| Di umano'y Bunga ng Sistemang Reduccion | Sinadyang ilipat ang palengke, munisipyo, sementeryo, at mga paaralan sa simbahan. | 
| Ang Estado ng Paninirahan Noong Panahon ng Reduccion | Hindi na palipat-lipat ng tirahan ang mga Pilipino. | 
Want to create your own Flashcards for free with GoConqr? Learn more.