|
|
Created by Rose Tabije
almost 6 years ago
|
|
| Question | Answer |
| Ang paghahati ng lupain ng bansa sa mas maliit na yunit. | SISTEMANG ENCOMIENDA |
| Lupang ipinagkaloob ng hari ng Espanya bilang gantimpala sa matapat na mga mananakop na Espanyol. | ENCOMIENDA |
| Tawag sa namumuno sa encomienda. | ENCOMENDERO |
| Siya ang binigyang karapatang mangolekta ng buwis at may tungkuling mangalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakupan. | ENCOMENDERO |
| Taong ipinatupad ang batas hinggil sa paniningil ng buwis sa Pilipinas. | 1571 |
| Ang paglikom ng salapi na kakailanganin sa pagpapatakbo ng pamahalaan. | PAGBUBUWIS |
| Buwis ng pagkamamamayan. | TRIBUTO |
| Buwis na sinisingil na katumbas ng walong (8) reales o piso na maaaring bayaran ng pera o produktong gaya ng ginto, tela, bulak, at bigas. | TRIBUTO |
| Buwis na itinaas sa halagang labindalawang (12) reales noong 1851. | TRIBUTO |
| Ang ipinalit sa tributo noong 1884. | CEDULA PERSONAL |
| Ang Mga Napapailalim sa Cedula Personal | Lahat na may edad labingwalo (18) pataas ay kailangang kumuha at magbayad ng sedula bilang tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at pagtanggap sa kapangyarihan ng Espanya. |
| Ang Mga Ligtas sa Pagbabayad sa Buwis | 1. Mga kasapi ng Principalia, at 2. Mga katutubong naglilingkod sa pamahalaan at Simbahan. |
| Ang Resulta ng Paniningil ng Buwis | Maganda ang layunin ng paniningil ng buwis subalit ang nagpahimagsik sa mga ninuno ay ang pang-aabuso ng mga nangongolekta na kadalasan ay sobrang maningil at ang sapilitang pagkumpiska sa kanilang mga produkto. |
| Ang Epekto ng Pananakop sa Mga May-ari ng Lupa | Sila'y naging kasama o nangungupahan na lamang sa lupang pagmamay-ari at sinasaka nila. |
| Ang May-ari ng Lupa na Kadalasang Espanyol | HACIENDERO |
| Ang Pagbabahagi ng Haciendero at Kasama | 1. Ang kontribusyon ng haciendero ay ang kanyang lupa lamang. 2. At ang kasama - ang pagtatanim, kasama na ang mga kagamitan, hayop, at pataba. |
| Ang Hatian ng Ani sa Pagitan ng Haciendero at Kasama | PANTAY O 50/50 |
| Ang Reaksiyon ng mga Pilipino sa Sistemang Kasama | Tinutulan ito ng maraming Pilipino dahil sa mga abuso at lalong nabaon sila sa pagkakaalipin. |
| Tinatawag ding sapilitang paggawa. | POLO Y SERVICIOS |
| Ang Mga Napapailalim sa Polo y Servicios | Lahat ng kalalakihang edad 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa mga pagawaan ng pamahalaang Espanyol. |
| Tawag sa Mga Naglilingkod sa Polo y Servicios | POLISTA |
| Mga Kadalasang Ginagawa ng Mga Polista | 1. Pagtatayo ng mga tulay, 2. Pagtatayo ng mga simbahan, at 3. Paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon. |
| Ang Haba ng Polo y Servicios | Ang mga polista ay nagtatrabaho ng apatnapung (40) araw sa pamahalaan pero noong 1884, ibinaba ito sa labinlimang (15) araw na lamang. |
| Iba Pang Ipinagawa sa Mga Polista | Ang ibang polista ay isinama sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar. |
| Multa na ibinabayad bilang kapalit sa hindi paglilingkod sa polo. | FALLA |
| Ang Mga Ligtas sa Polo y Servicios | 1. Mga may katungkulan sa pamahalaan gaya ng gobernadorcillo, cabeza de barangay, at 2. Iba pang miyembro ng principalia. |
| Ang Resulta ng Polo y Servicios | Nagdulot ito ng pang-aapi at pang-aabuso kaya hanggang ngayon ay mababa ang tingin ng mga Pilipino sa mga gawaing manwal o blue-collar job. |
| Isa sa Mga Pag-aalsa Laban sa Polo | Pag-aalsa ni Sumuroy sa Samar noong 1649 at 1650. |
| Sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol sa mga produkto ng mga magsasaka. | SISTEMANG BANDALA |
| Paraan ng Pagsagawa ng Bandala | 1. Bawat lalawigan ay binigyan ng takdang dami ng mga produktong ipagbibili sa pamahalaan. 2. Ang mga produkto ay binibili ng pamahalaan sa murang halaga. |
| Ang Resulta ng Bandala | Kadalasan, ang mga produkto ay hindi nababayaran at ang magsasaka ay nakatatanggap na lamang ng mga pangakong kasulatan (Promissory Notes). |
| Isang Halimbawa ng Pagtutol ng Mga Pilipino sa Bandala | Nang magkaroon ng 200,000 pesos na utang ang pamahalaang Espanyol sa mga Kapampangan, umalsa sila sa pamamagitan ng hindi pagtatanim ng bigas. |
Want to create your own Flashcards for free with GoConqr? Learn more.