|   | 
Created by Rose Tabije
almost 6 years ago
 | |
| Question | Answer | 
| Konsehong gumagawa ng mga patakaran o batas para sa mga bansang sinakop ng Espanya. | CONSEJO DE INDIAS | 
| Ang humawak sa pamamahala ng Pilipinas mula sa Consejo de Indias noong 1836. | MINISTRO DE ULTRAMAR | 
| Taong nalipat ang pamamahala ng Pilipinas mula sa Consejo de Indias sa Ministro de Ultramar. | 1836 | 
| Katulong ng Ministro de Ultramar sa pamamahala sa Pilipinas na nakabase sa Madrid. | CONSEJO DE FILIPINAS | 
| Ang kinakatawan ng konseho sa mga kolonya ng Espanya. | VICEROY | 
| Ang pamahalaang itinatag ng mga espanyol sa bansa. | PAMAHALAANG SENTRALISADO | 
| Ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal na hinirang ng hari bilang kinatawan niya sa bansa. | GOBERNADOR-HENERAL | 
| Ang pinakamataas na posisyong walang itinakdang kwalipikasyon o panahon ng panunungkulan. | GOBERNADOR-HENERAL | 
| Mga Pangunahing Kapangyarihan ng Isang Gobernador-Heneral | 1. Kapangyarihang Panlehislatura 2. Kapangyarihang Pang-ehekutibo 3. Kapangyarihang Panghudisyal | 
| Kapangyarihang hindi ipatupad ang batas ng hari lalo na kung ang batas ay hindi angkop para sa pangangailangan ng kolonya. | CUMPLASE | 
| Mga Iba pang Kapangyarihang Taglay ng Gobernador-Heneral (1 - 3) | 1. Cumplase 2. Kapangyarihang humirang at mag alis ng mga opisyal. 3. Hawak niya ang pamamahala sa hukbong sandatahan. | 
| Mga Iba pang Kapangyarihang Taglay ng Gobernador-Heneral (4 - 5) | 4. Siya ang pinakamataas na pinuno ng Real Audiencia at may karapatang magbigay ng hatol at kaparusahan at magpatawad o mag pawala ng sala. 5. Bilang Vice Real Patron, hawak niya ang buong Simbahan sa Pilipinas at may kapangyarihan pumili at mag-alis sa mga opisyal ng Simbahan. | 
| Bilang ng naging Gobernador-Heneral sa Pilipinas. | 100 | 
| Ang unang naging Gobernador-Heneral. | MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI | 
| Ang huling Gobernador-Heneral ng Pilipinas. | DIEGO DELOS RIOS | 
| Ang mga itinatag ng hari upang maiwasan ang mga pang-aabuso at masubaybayan ang pamamalakad ng mga Gobernador-Heneral. | 1. REAL AUDIENCIA 2. RESIDENCIA 3. VISITADOR | 
| Kataas-taasang hukuman ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. | REAL AUDIENCIA | 
| Ang lumilitis sa mga pinunong patapos na ang panunungkulan at mapang-abuso sa tungkulin. | REAL AUDIENCIA | 
| Ang nagbibigay ng kaparusahan na pagpapatapon o pagpapaalis sa pwesto sa nagkasalang pinuno kasama na ang Gobernador-Heneral. | REAL AUDIENCIA | 
| Ang binubuo ng apat na oidor na nagsisilbing alcaldes de crimen, ang Gobernador-Heneral bilang pinakapinuno, isang piskal , isang alguacil mayor, at isang teniente de gran chanceler. | REAL AUDIENCIA | 
| Sistema ng pamahalaang Espanyol kung saan ang Real Audiencia at ang bagong Gobernador-Heneral ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa panunungkulan ng pinalitang Gobernador-Heneral at kanyang mga opisyal. | RESIDENCIA | 
| Ang tagal ng imbestigasyong Residencia. | 6 buwan | 
| Mga Parusa na Hatol ng Residencia | 1. Pagkasuspinde sa tungkulin, O 2. Pagmumulta ng malaking halaga. | 
| Isang tagapagsiyasat na pinadadala ng konseho upang magmasid sa kalagayan ng bansa. | VISITADOR | 
| Ang gumagawa ng mga pag-uulat lalo na sa mga opisyal o pinuno ng kolonya na siyang iniuulat sa hari ng Espanya sa kanyang pagbabalik. | VISITADOR | 
| Mga Gobernador-Heneral na naging mabuti at matapat sa tungkulin | 1. Simon de Anda 2. Jose Raon 3. Jose Basco y Vargas 4. Narciso Claveria 5. Carlos Maria dela Torre | 
| Ang Ginawa sa Bansa Upang Mapadali itong Pamahalaan | 1. Hinati sa maliliit na yunit na nakabatay sa sistemang encomienda, at 2. Ang mga yunit ay pinamumunuan ng mga lokal na pinuno. | 
| Ang ipinalit sa mapang-abusong sistemang encomienda. | PAMAHALAANG PANLALAWIGAN | 
| Dalawang Uri ng Pamahalaang Panlalawigan | 1. ALCALDIA 2. CORREGIMIENTO | 
| Ang mga kinatawan ng Gobernador-Heneral sa mga lalawigan. | 1. ALCALDIA 2. CORREGIMIENTO | 
| Ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng Alcalde Mayor sa lugar na nasakop na at kumikilala sa pamahalaang Espanyol. | ALCALDIA | 
| Ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng Corregidor sa lugar na hindi pa lubos na napasuko ng mga Espanyol. | CORREGIMIENTO | 
| Mga Tungkulin ng Alcalde-Mayor at Corregidor. | 1. Punong Tagapagpaganap 2. Mangolekta ng buwis 3. Nangunguna sa gawaing panrelihiyon at pang-edukasyon. | 
| Suweldo ng Alcalde-Mayor at Corregidor. | DI GAANONG MALAKI | 
| Ang Pribilehiyo ng Alcalde-Mayor at Corregidor. | Paglahok sa kalakalang galyon o tinatawag na Indulto de Comercio. | 
| Ang Bumubuo sa Isang Lalawigan | Ilang pueblo o bayan | 
| Ang Pinuno ng Isang Pueblo o Bayan | GOBERNADORCILLO | 
| Mga Kwalipikasyon ng Isang Gobernadorcillo | 1. Di bababa sa 25 taong gulang. 2. Naging Tenyente-Mayor o Cabesa de Barangay. | 
| Mga Tungkulin ng Gobernadorcillo | 1. Mangolekta ng buwis 2. Magpatupad ng batas 3. Magpanatili ng kapayapaan 4. Pangalagaan ang kalinisan at kaayusan ng Casa Tribunal. | 
| Ang gusaling tinutuluyan ng mga bisita at manlalakbay sa bayan. | CASA TRIBUNAL | 
| Ang Unang Paraan ng Paghahalal sa Gobernadorcillo | Inihahalal siya ng mga mayayamang lalaki upang manungkulan ng isang taon. | 
| Ang Kapalit na Paraan sa Paghalal sa Gobernadorcillo | Ang lupon na binubuo ng labindalawang cabeza de barangay ay inihahalal nila ang isa sa kanila na maging gobernadorcillo. | 
| Mga Pribilehiyo ng Gobernadorcillo | 1. Hindi pagbabayad ng buwis 2. Hindi paglahok sa polo y servicios o sapilitang paggawa. | 
| Ang pinakamataas na posisyong maaaring gampanan ng isang Pilipino. | GOBERNADORCILLO | 
| Ang ama ni Emilio Aguinaldo na isang halimbawa sa mga nakahawak ng posisyong Gobernadorcillo. | CARLOS AGUINALDO | 
| Bumubuo sa isang pueblo o bayan. Nagmula sa hinati-hating pueblo o bayan | BARANGAY | 
| Pinamumunuan ng cabeza de barangay na karaniwang raha o datu noon. | BARANGAY | 
| Ang Pangunahing Tungkulin ng Isang Cabeza de Barangay | Maningil ng buwis | 
| Mga Pribilehiyo ng Isang Cabeza de Barangay | Wala siyang sweldo bagama't may pribilehiyo siyang: 1. Mapabilang sa pangkat ng principalia o aristokrasya o mga pangunahing tao sa bayan kasama ng gobernadorcillo. 2. Hindi siya nagbabayad ng buwis at di kabilang sa polo. | 
| Ang naging cabeza de barangay sa gulang na 17 na labag sa batas ngunit makapangyarihan at maimpluwensya ang kanyang pamilya. | EMILIO AGUINALDO | 
| Tawag sa pamahalaan ng pueblong malaki at maunlad na ginawang lungsod. | AYUNTAMIENTO | 
| Pamahalaang hindi sakop ng pamahalaang panlalawigan sapagkat ito ay may sariling charter na nagtatadhana ng sariling patakaran at paraan ng pamamahala. | AYUNTAMIENTO | 
| Ang Mga Namumuno sa Isang Ayuntamiento o Lungsod. | ALCALDE katulong ang MGA KONSEHAL | 
| Mga Halimbawa ng Mga Pamahalaang Lungsod | 1. Cebu 2. Maynila 3. Lipa 4. Albay 5. Arevalo 6. Jaro 7. Naga 8. Vigan | 
Want to create your own Flashcards for free with GoConqr? Learn more.